Latest News

WANTED NA RAPIST SA SARANGANI, HULI SA BINONDO

By: Baby Cuevas

Isang 43 anyos na driver na wanted sa kasong rape sa Sarangani,ang inaresto ng. mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 11, kahapon ng umaga sa Alvarado corner Soler Street sa Binondo Maynila.

Ang suspek na si Ponciano Caro ng Davao Occidental at residente ng Malungon, Sarangani Province ay nasa kustodiya ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto nito alas- 8 ng umaga.

Napag-alaman kay MPD chief Gen. Arnold Thomas Ibay na ang pag-aresto kay Caro ay ginawa sa bisa ng arrest warrant inisyu mg. korte. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Si Caro ay ‘ most wanted’ umano sa municipal level at nasa Top 10 Most Wanted sa Level ng Saragani Province.

Kasama ng MPD sa pagdakip sa suspek ang ilang tauhan ng Malungon Police Station at Sarangani Provincial Police Office PRO-12.


Ayon kay Ibay, nakatakdang ibiyahe sa Sarangani ang suspek para harapin ang kaso niya doon.


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like

Most Read