Latest News

WANTED NA MISIS, DINAMPOT SA BARANGAY HALL

By: Baby Cuevas

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 9 ang isang babaeng ‘wanted’ sa kasong estafa o paglabag sa Batasang Pambansa 22, matapos nitong dumalo sa hearing sa barangay kaugnay ng kasong isinampa naman niya laban sa kanyang mister, kamakalawa ng umaga sa Cainta, Rizal.

Nakadetine sa MPD-PS 9 ang suspek na kinilalang si Mielyn Malupa, matapos itong arestuhin sa loob ng San Andres, Barangay Hall, Cainta, Rizal.

Sa imbestigasyon ni PSSg Solomon Bataller, alas- 12 ng tanghali nang maaresto ang suspek.

“Hinintay ko pang matapos yung hearing niya , kinasuhan niya yung mister niya dahil sa hindi pagbibigay ng sustento at paglabas saka siya inaresto,” ayon kay Bataller.

Napag-alaman na dalawa silang kinasuhan ng BP 22 ng kanyang mister pero naabsuwelto ang huli samantalang naisyuhan naman ng arrest warrant si Malupa.

Tags:

You May Also Like

Most Read