‘WANTED’ DINAKIP SA MPD HABANG KUMUKUHA NG POLICE CLEARANCE

By: Baby Cuevas

ISANG lalaking ‘wanted’ ang arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) habang kumukuha ng police clearance kahapon ng umaga sa MPD headquarters sa Ermita, Maynila .

Ang suspek ay kinilalang si Jonald Rey, 39, nga Tondo,Maynila at diumano ay ‘wanted’ sa kasong paglabag sa City Ordinance 671 sa Mandaluyong City.


Alas-11:55 ng umaga nang maaresto ang suspek sa loob ng Crime Research and Analysis Section ng MPD headquarters sa UN Avenue, sa Ermita.

May tumawag umano sa MPD at ipinaalam na ‘wanted’ ang suspek at may arrest warrant ito mula sa Mandaluyong City MTC Branch 97, sanhi upang siya ay kaagad na arestuhin.

Inirekomenda ni Hon. Judge Dolly Rose Bolante-Prado ang P2,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Rey.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like