Latest News

WALONG-TAONG GULANG NA BATANG LALAKI, PATAY SA BARIL NG TATAY NA PULIS

By: Baby Cuevas

NASAWI ang isang walong-taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng maputukan ng baril na pag-aari ng kanyang ama sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manila Police District -Police Station 2, hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Dan Rycel Lacap, ng No. 358 Leandro Ibarra St., Brgy. 35, Tondo, Manila. Nasawi ito dahil sa tama ng baril sa katawan.

Iniimbestigahan naman ng MPD-homicide si PMSg Dan Ryan Lacap, ama ng biktima na nakatalaga sa Navotas City Police Station.


Sa imbestigasyon, naganap ang insidente pasado alas- 6 ng gabi sa Ikatlong palapag ng bahay ng mga Lacap.

Ayon sa testigo, nasa ikalawang palapag siya ng bahay at nanonood ng TV nang makarinig ng malakas na putok.


Agad itong bumaba sa unang palapag ng bahay pero wala namang nakita na anuman kaya umakyat siya sa Ikatlong palapag at doon niya nakasalubong ang dalawang kapatid ng biktima.

Sinabi umano ng mga bata na duguan ang biktima. Agad na isinugod ang bata sa pagamutan pero idineklara itong ‘dead-on- arrival (DOA).’


Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD-homicide sa kaso.

Tags: Manila Police District-Police Station 2

You May Also Like

Most Read