Latest News

WALONG SENIOR NA KUMUHA NG AYUDA PATAY

WALONG katao ang inisyal na inulat na nasawi, habang dalawa pa ang pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang baha ang sinasakyan nilang jeep sa Tanay, Rizal nitong Sabado ng gabi.

Sinasabing pawang mga mga senior citizen at isang bata ang sinasabing namatay sa aksidente.

Ayon sa inisyal na ulat, lulan ng isang pampasaherong jeep ang mga senior citizen na kumuha lamang ng kanilang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang bayan.


Dalawang jeep ang nirentahan ng mga biktima mula sa kanilang barangay na dalawang oras ang layo ng biyahe mula sa bayan.

Sinasabing mababaw pa umano ang ilog na nasa Barangay Sta. Ines noong pauwi na sila at ligtas pang nakatawid ang naunang jeep.

Subalit nang sumunod na ang pangalawang jeep, bigla umanong rumagasa ang tubig sa ilog at natangay nito ang pangalawang jeep na sinasakyan ng mga biktima.

Agad namang rumesponde ang mga residente ng barangay nang makitang nakatagilid na ang jeep sa gitna ng baha.


Nasa covered court ng barangay ang anim sa mga bangkay, habang dalawa ang nakuha na ng kanilang mga kaanak.

Sinasabing pakay ng search and rescue operation ng mga aawtoridad ang dalawang inulat na nawawala na umanoy tinangay ng baha. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Department of Social Welfare and Development (DSWD)

You May Also Like

Most Read