TULOY tuloy pa rin ang ang ginagawang pag-iinspeksyon ng mga field commanders sa personal gadgets cellphone ng kanilang mga tauhan para sa gaming apps na online sabong base sa nauna ng direktiba ni Philippine National Police chief Police General Dionardo Carlos.
Ito ay kasunod ng ulat na may isang police officer ang inaresto dahil sa pagkalulong sa E-Sabong habang may pitong pulis na ang nakasuhan at naparusahan dahil sa iligal na sugal.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo kasunod ng utos ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na nagbabawal sa mga pulis na masangkot sa anumang uri ng sugal.
Magugunitang mariing ipinagbabawal ni General Dionardo sa kanyang mga tauhan ang pagsusugal at huwag na huwag tangkilikin ang online cockfighting matapos na isang police officer na nakatalaga sa Camp Crame ang nahuling nagsusugal habang naka duty.
Ayon kay Fajardo, karamihan sa mga nakasuhang pulis ay mga sarhento na nahuling naglalaro ng e-sabong.
Ilan sa mga ito ay na-demote na o nasuspinde, habang ang iba ay nabigyan ng reprimand.
“As PNP chief, I am prohibiting you … from playing e-sabong or online sabong, ani Carlos . Dahilan kaya ipinag utos na suriin ang mga Smartphones at gadgets ng lahat ng PNP personnel para masigurong hindi sila nalululong sa “e-sabong.”
“That is an addiction. If you are into that we will make sure that you are stopped,” ang opisyal
“Henceforth all field offices, commanders, units, we will inspect all cell phones and other gadgets that may be used [for online sabong],” dagdag pa nito. (VICTOR BALDEMOR)