Walong Japanese scammers, ipina-deport

By: Philip Reyes

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na walong puganteng Japanese nationals na sangkot diumano sa iba’t-ibang uri ng scam ang ipina-deport na sa Japan.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, ang walong dayuhan ay sangkot sa telephone scams, credit card fraud at iba pang iligal na aktibidad na gumagamit ng cellphone.


Sinabi ni Clavano na tulad ng Luffy case, ang target nila ay iyong mga senior citizen o ‘yung mga hindi bihasa sa paggamit ng cellphone at credit card.

“Sinasabi nila na kailangang mag- deposit sa ganitong account or kailangan magbigay ng personal information sa kanila. And that’s where the scam starts. Gagamitin nila ‘yung personal information para makakuha sila ng access doon sa mga accounts ng mga vulnerable victims,”ani Clavano.

Nilinaw nu Clavano na ang walo ay hindi bahagi ng kontrobersiyal na “Luffy” group.


Napag-alaman na apat sa walo ay meron nang deportation order noong 2021 pero hindi mai-deport dahil may nakabinbin na kaso.

Kamakailan ay naibasura na rin ang mga kaso nila na “demanda me scheme”.


“So ngayon, kapag nakikita ng mga korte na may ganuongn klaseng ‘demanda-me scheme’, madalaay nadi-dismiss na. So, that’s the reason why it is only now na-deport itong walo, kaninang umaga dahil wala na silang pending cases,”dagdag ni Clavano.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pina-deport ang apat na Japanese national na sangkot sa ‘luffy controvers’y na pinaghihinalaang mastermind ng iligal na aktibidad sa Japan.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like

Most Read