Walong Filipino na nag-positibo sa COVID-19, walang dalang bagong variants

Wala umanong kakaiba o bagong variants na na-detect mula sa walong Filipino na nag-positibo sa COVID-19 variants pagpasok sa bansa mula sa China.

“Nakita natin na tatlo doon ay BF.7 at ang isa (1) ay BA 5.2. Ito yung mga hindi bagong variants. Dati na natin ito nade-detect. Unusual or unique? No,” ayon kay DOH Director IV of the Epidemiology Bureau Dr. Alethea De Guzman.


Nalaman sa isinagawang genome sequencing sa kanilang samples, lumabas na tatlo ang may B.F.6 at isa ang may BA.2,.habang hindi naman nakita kung ano ang coronavirus lineage.

Ipinaliwanag ni De Guzman na minsan umano, dahil sa kalilipat sa samples ay nade-degrade ang quality ng specimen kaya hindi ma-sequence.

Una nang dumating ang walong Filipino mula sa China sa pagitan ng Disyembre 27, 2022.hanggang Enero 2, 2022 at lahat sila ay nag-positibo sa antigen test. (Arsenio Tan)


Tags: DOH Director IV of the Epidemiology Bureau Dr. Alethea De Guzman

You May Also Like

Most Read

Latest News