Latest News

‘Walk of Thanksgiving’, dinagsa ng may 15K deboto ng Poong Nazareno

By: Carl Angelo

Dinagsa ng may 15,000 deboto ng Itim na Nazareno ang idinaos na ‘Walk of Thanksgiving’ na isinagawa sa Quiapo kamakalawa ng gabi.

Nabatid na ang naturang motorcade ng mga imahe ng Poon ay taunang isinasagawa bilang pasasalamat sa Panginoon para sa nakaraang taon at paghingi naman ng gabay sa papasok na taon.


Nagkaroon muna nang pagdarasal ng banal na rosaryo, bago isinagawa ang motorcade dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa Plaza Miranda.

Dumaan ang motorcade sa Villalobos St., sa Palanca, at sa Lacson Plaza; Carriedo, Evangelista St., at Gonzalo Puyat St., at nagtapos ganap na ala-1:45 ng madaling araw.

Mabilis namang nakadaan ang motorcade kahit sa masisikip na kalsada dahil sinunod ng mga deboto ang pakiusap ng mga taga-simbahan na pumagilid lamang habang dumadaan ang replica.


Tulad nang nakagawian, ang ilan sa mga deboto ay nakapaa bilang bahagi ng kanilang panata sa poon.


Tags: Itim na Nazareno

You May Also Like