WALANG SACRED COW, WALANG VIP TREATMENT SA MGA PARAK NA SANGKOT SA EJK, ANI REMULLA

By: Victor Baldemor Ruiz

Tahasang inihayag ng bagong hirang na Department of the Interior and Local Government (DILG) head, Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ C. Remulla, na walang ‘sacred cow’ o special treatment para sa mga police officials na madadawit sa extra judicial killings (EJK) dahil sa iligal na droga.

“There are no sacred cows in this institution and in this investigation. Anyone who is found guilty will be treated like any other and treated as such.

There will be no special treatment. They will not be accorded special privileges,” ani Remulla.


Sinumang mapapatunayang ‘guilty’ sa ibinibintang ay haharapin umano ang buong pwersa ng batas at walang paliligtasin.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagdadawit ni retired police colonel at dating PCSO general manager Royina Garma sa ilang police officers sa kontrobersyal na EJKs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Dutertem sa ginanap na House Quad Committee hearing kamakailan.


Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 6,252 katao ang namatay sa anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2016 ha nggang Mayo 31, 2022, bilangbahagi umano ng ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyon.

Maliit na bilang naman ito kumpara sa sinasabing may 20,000 na naging biktima ng summary killings sa ilalim ng nakalipas na administrasyon, ayon sa human right groups.


Nagpaalala ang kalihim na hindi dapat agad na husgahan ang mga isinasangkot na police officers, nasa active service man o retirado na, dahil kailangang sumailalim din sila sa due process.

Tags: Department of the Interior and Local Government (DILG) head, Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ C. Remulla

You May Also Like

Most Read