KINUMPIRMA ng Kongreso na personal na pera nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang gagamitin sa European trip ng dalawa.
Nag-isyu ng official certification ang House of Representatives in favor of Cong. Arjo Atayde.
Nagpa-alam na humingi
si Arjo ng travel authority para sa international screening ng pelikulaniyang “Topak.”
Wala raw katotohanan na nag-request ang politician-actor ng government funds para sa trip nilang mag-asawa.
‘Thus, the expenses that Arjo would be incurring during his travel will be borne out of his own personal funds,” ayon sa.certification na inisyu ng House of Representatives in favor kay Arjo.
Nakasaad sa certification sa travel authority na pinapayagang um-attend ng international screening ng Topak movie sa 2023 Locarno International Film Festival si Arjo.
“Hon. Atayde did not request for any funding from the House of Representatives and said travel will be at his own expense,” ayon pa sa Kongreso.
Siguro naman, titigil na ang detractors ng mag-asawa sa paggawa ng mga isyu.
Nauna ng iginiit ni Maine na ang kanilang gagastusin sa travel trip ay manggagaling sa sarili nilang bulsa.














