WALA pang inulat na Pilipino na nasawi sa malagim na mass shooting incident sa Russia na sinasabing umakyat na sa 133 ang bilang ng mga namata, bukod pa sa may 100 sugatan, nang walang habas na paulanan ng limang armadong kalalakihan ang isang concert hall.
“The Philippine Embassy in Moscow reported that there are no Filipinos affected in the attack and has advised the Filipino community in Moscow to undertake the necessary precautions following the attack,” ayon sa ibinahaging ulat ni DFA spokesperson Teresita Daza.
Inako ng Islamic State na sila ang responsible sa likod ng pag atake ng limang gunmen sa Crocus City Hall sa Moscow, kasabay ng ginaganap na concert na ikinasugat din ng may 100 katao.
Agad namang nakiisa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa mga bansang nakikisimpatya at nagpahayag ng pagkondena sa madugong insidente.
“I am profoundly saddened by the innocent lives lost in the horrific ISIS attack at the concert hall in Moscow. My deepest condolences to the families affected by this senseless act of terrorism. We stand united in condemning terrorism in all its forms, ” anang pangulong Marcos, Jr.
“The Philippines strongly condemns the heinous attack at the Crocus Hall in Moscow on 22 March 2024, which resulted in the loss of innocent lives, caused injuries to several people, and significantly damaged properties,” pahayag naman ng DFA.
Sa huling mga ulat ay sinasabing umakyat na sa 133 katao ang nasawi dahil sa madugong shooting attack sa concert hall sa Moscow at kasunod nito, umabot na sa 11 katao ang inaresto ng mga awtoridad kabilang ang hinihinalang gunmen dahil sa pag-atake na inako ng Islamic State.
Nitong Biyernes ay walang habas na namaril ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage sa Crocus City Hall sa northern suburb ng Moscow na Krasnogorsk , kasabay ng isang concert ng Soviet-era rock band na Piknik.
Ayon sa FSB security service ng Russia, tumakas ang mga sangkot sa pag-atake sa Russian-Ukraine border.














