WALANG LOYALTY CHECK

MAGKASAMANG humarap sina Department of National Defense designate Secretary Carlito Galvez at Armed Forces chief of Staff General Andres Centino sa mga tauhan ng hukbong sandatahan at ng kagawaran ng tanggulang pambansa kahapon ng umaga sa isinagawang Joint AFP-DND new year’s call.

Kasunod nito ay nagsagawa agad ng AFP Command Conference na pinangunahan nila Galvez at AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino.


Pina-alala ni Galvez ang kahalagahan ng mataas na moral ng mga empleyado sa DND at propesyonalismo sa Armed Forces of the Philippines sa pagpapanatili ng tiwala at kumpiyansa ng mamamayang Pilipino.

Bago ang pulong kahapon sa Camp Aguinaldo, nagkaroon ng pribadong pulong sina Galvez kay Gen. Faustino.

Batay sa report ng Kagawaran, nagsagawa muna ng briefing si Faustino kay Galvez sa iba’t ibang accomplishments ng Kagawaran kasama ang kanyang mga rekomendasyon na matiyak ang pagpapatuloy ng mga programa sa departamento.


Samantala, hindi na umano kailangang imbestigahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isyu ng umano’y planong destabilisasyon sa hanay ng military ayon kay AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar.

Tinanong si Aguilar kung may nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng destabilization para makita kung may mga paksyon sa loob ng AFP.


Ayon kay Aguilar ang AFP ay isang professional organization at alam nila na ang mga opisyal ay dumarating at umaalis, samakatuwid, kailangan nilang sundin palagi ang chain of command upang matiyak na ang organisasyon ay nagkakaisa at magagawa nila ang kanilang mandato at ang kanilang misyon.

Sinabi ni Aguilar na sayang lang ang oras napag usapan ang isyu ng destabilisasyon dahil wala siyang ideya kung saan nanggaling ang mga tsismis sa destabilization dahil kasalukuyang nakatutok ang AFP sa misyon nito.


Gayunman, inamin niya na hindi siya makapagsalita para sa mga indibidwal na pananaw o emosyon ng bawat miyembro ng AFP.

Nauna nang itinanggi ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang umano’y planong destabilisasyon sa militar na kumalat sa social media nitong weekend.

Ang mga alingawngaw na ito ay lumutang pagkatapos lumutang ang maramihang pagbibitiw sa Department of National Defense (DND) kasunod ng pagpapalit ng liderato ng AFP .



Kinumpirmani DND Spokesman Director Arsenio Popong Andolong na may pito o siyam na mataasna opisyal ang naghain ng kanilang courtesy resignation letter kasunod ng pagbibitiw ni DND OIC Jose Faustino subalit ito ay procedural dahil pagkakaroong bagong pinuno ng kagawaran. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Armed Forces chief of Staff General Andres Centino, Department of National Defense designate Secretary Carlito Galvez

You May Also Like

Most Read