Latest News

WALANG KAHIRAP HIRAP AD INTERIM APPOINTMENT NI GEN BRAWNER APRUBADO SA CA

By: Victor Baldemor Ruiz

HINDI pinahirapan at agad na pinalusot ng a makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Sinang Ayunan ng lahat ng miyembro ng National Defense Committee ng CA ang appointment ni Brawner na noong Hulyo ay itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang chief of staff ng AFP.

Kasabay nito ang pag gawad ng Pangulong Marcos ng 4 star rank sa kay General Brawner

Kasama rin sa nakumpirma ng CA ang tatlong Major Generals, 22 Brigadier Generals, tatlong Commodores at isang Colonel.

Samantala, karamihan naman ng mga naging tanong ng komite na pinamumunuan ni Congressman Jayjay Romualdo ay tungkol sa polisiya na ipatutupad sa AFP.

Si Brawner din ang kauna-unahang Chief of Staff na makikinabang sa bagong batas na Republic Act 11939, na nagtatakda ng hanggang tatlong taon na maximum tour of duty bilang AFP Chief of Staff.

Kasama rin sa hiniling ng opisyal ang karagdagang mga bagong kagamitan sa hukbong sandatahan para sa pagpapalakas ng territorial defense ng bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read