Latest News

Walang ini-lockdown na hospital

By: Anthony Quindoy

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na may ospital na ini-lockdown dahil sa mga pasyente na may COVID-19.

Ayon sa DOH, ang nabanggit na ulat ay mali at peke, dahil lahat ng ospital ng DOH ay patuloy ang operasyon.

“This message is FALSE. No DOH hospital is currently implementing a lockdown and all DOH hospitals remain fully-operational, “ayon sa abiso ng DOH.


Kasabay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na maging ” vigilant” sa pagbabahagi ng mga nakukuhang impormasyon.

Pinayuhan ng DOH na kumuha lamang ng impormasyon sa opisyal na DOH platforms para hindi mabiktima ng mga fake news.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read