Walang foul play

Wala umanong naganap na “foul play” sa bangkay ng umano’y “middleman” na nagpapatay sa hard hitting broadcaster na si Percy Lapid o Percival Mabasa sa isinagawang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa dalawang pahinang consolidated initial report isinumite ni NBI Medico Legal Marivic Villarin-Floro na isinumite kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dumanas umano ng hemorrage sa puso si Jun Villamor Y Globa.


“The heart showed a hemorrhagic area over the left ventricle. The mitral valve is sclerotic, which could indicate previous illness or valvular infection,” ayon sa consolidated initial report sa pagkamatay ni Villamor na inilabas ng NBI.

Hindi rin ito kinakitaan ng senyales na may” external physical injury”.

Nabatid na nag negatibo rin si Villamor sa
COVID-19 antigen test result ,nag negatino rin sa paraffin test ang kanyang katawan.


Nitong Huwebes,sinabi ni Remulla na ang naturang middleman ay nasawi na.

Ayon kay Bureau of Correction?Bu or Gabriel Chaclag si Villamor ay dinala sa NBP Hospital matapoa itong.mawalan ng malay ala 1:30 ng hapon noong Oktubrr 18.


Binigyan umao ito ng resuscitation pero idineklarang patay alas 2 ng hapon ng medical officwr na naka duty.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Roy Mabasa,kapatid ni Percy sa pagkamatay ng.middleman na tinukoy ng gunman na si Joel Escorial.


Sinabi rin ni Mabasa na gusto ng pamilya ni Percy na magkaroon ng isang independent autopsy report sa bangkay ni Lapid.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Latest News