Latest News

WALANG ANOMALYA SA SHIPMENT NG SIBUYAS — BOC

WALANG nakitang anomalya ang Bureau of Custom sa sinuring dalawang containerized cargo na naglalamang ng sibuyas mula Nueva Ecijia.

Ang BOC DAVAO ay nagsagawa ng pagsisiyasat sa locally -transported onion shipments.

Nagsagawa ng kanilang spot check ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao, sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service, X-ray Inspection Project, at Customs Intelligence and Investigation Service, sa dalawang container na may mahigit 500 bag bawat isa ng pulang sibuyas.


Layunin nitong suriin kung ang mga kinakailangang permit at mga dokumento sa pagtransport ng nasabing agricultural product ay nasunod bago ilabas upang maiwasan ang smuggling ng mga produktong agrikultural sa lokal na merkado.

Hindi nilinaw ng BOC kung bakit sa Davao pa sinuri ang kargamento na naglalaman ng sibuyas na nagmula sa Nueva Ecijia na patungong Port of Manila gamit ang KTC Container Terminal.


Tanging inihayag ng BOC na walang paglabag na naganap sa panahon ng pagtransport ng mga kalakal dahil naipakita ng mga kinatawan ng mga consignee ang mga kinakailangang dokumento sa transportasyon, kabilang ditto ang Clearance for Domestic Transport na inisyu ng Bureau of Plant Industry, mga patunay ng pagbabayad mula sa lokal na supplier, at mga resibo ng pagkilala mula sa iba’t ibang bodega.

Tiniyak ni BOC Davao District Collector Erastus Sandino Austria sa publiko ang pangako ng daungan na pigilan ang agricultural smuggling alinsunod sa 7-point priority program ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz at bilang mahigpit na pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Maros, Jr. na pigilan ang agricultural smuggling. (VICTOR BALDEMOR)


 

You May Also Like