PROKLAMADO nang lahat ang mga Metro Mayors na nagwagi sa natapos na May 9 Presidential at local elections sa bansa.
Nabatid na sa 17 alkalde na mga nagwagi sa halalan, tanging si Manila Mayor-elect Honey Lacuna ang huling naiproklama Miyerkules ng gabi.
Ito ay nang matapos ng Commission on Election(Comelec) Board of Election Canvassers ang huling porsiyento ng botong hindi pa nabilang.
Kasamang na i-proklama ni Lacuna si nanaling Vive Mayor Yul Servo,mga congressman at konsehal.
Kabilang sa mga nanalong alkalde ang dati ng alkalde ng Quezon City Joy Belmonte, Caloocan Mayor Along Malapitan, Makati Mayor Abby Binay, Mandaluyong Mayor Ben Abalos,Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon.
Gayundin sina Paranaque Mayor Eric Olivarez,San Juan Mayor Francis Zamora, Valenzuela Mayor Wes Gatchalian,Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano,Las Pinas Mayor Imelda Aguilar,Malabin Mayor Jeannie Sandoval,Marikina Mayor Marcy Teodoro,Navotas Mayor John Rey Tiangco,Pasig Mayor Vico Sotto,Taguig Mayor Lani Cayetano,at Patero Mayor Ike Ponce.
Samantala,inaasahan naman maipu-proklama ang mga nagwaging Senador at partylist ngayong linggo. (Jaymel Manuel)