Latest News

‘WAG NA PULITIKAHIN ANG NEW YEAR’S DAY SYSTEM GLITCH ISYU SA AIRPORTS

May mga pulitikong napakabibilis na maglabas ng mga negatibong reaksyon ukol sa naganap na technical glitch noong Linggo na nagresulta sa kanselasyon ng maraming flights sa bansa.

Sana lamang ay huwag mabilis sa paghusga dahil sa totoo lang, maging sa malalaking bansa ay nangyayari ang ganito, bagama’t hindi lamang marahil nalalaman ng mga nasabing pulitiko.

Nito lamang Lunes, nag-isyu ng ‘national ground stop’ ang Federal Aviation Authority (FAA) para sa lahat ng eroplanong patungo o mula sa anumang airport sa Florida.


Ito ay bunsod ng ‘equipment issue.’ Ang kanilang air traffic control centers ay gumagamit ng computer system na tinaguriang, “En Route Automation Modernization” upang pangasiwaan ang mga eroplano sa kalawakan.

Ang problemang naganap noong Lunes ay nag-uugat sa ERAM issue, ayon sa FAA at ito ay nakaapekto din sa mga flights mula at patungo sa anim na major airports sa southern half ng Florida. Suspendido ang mga flights habang nireresolba ang problema.


Nangyari din ito noong June 2022 sa Switzerland. Nagkaroon ng tinatawag na ‘tech glitch’ o “major computer failure” ang air navigation system nito, na nagresulta sa suspension ng paggamit sa Swiss airspace.

Ayon sa air navigation service provider nito na Skyguide, nagkaroon ng isang “unknown tech malfunction,” dahilan para i-ground ang mga outbound flights at i-reroute ang mga arrivals sa Geneva airport sa Switzerland. Di rin naiwasan ang mga kanselasyon ng fligh


Sinabi ng Geneva airport sa isang tweet: “Due to a major computer failure affecting Skyguide, no landings or take-offs can take place this morning until 8 am.”

Bagama’t naresolba na ang problema at muli nang binuksan ang Swiss airspace para sa air traffic at itinuloy na ang operations sa national airports ng Geneva at Zurich, hindi kaagad nag-100 percent ang operations. Nagsimula sa 50 percent capacity hanggang maging 75 percent patungo sa full operations. Habang sarado ang airspace, ang mga international flights patungong Switzerland ay kinailangang i-reroute sa German cities gaya ng Frankfurt at Munich at maging Milan at lumikha din ito ng problema sa mga manlalakbay. Kalaunan, sinabi ng Skyguide na ang naging problema ay bunga ng ‘hardware glitch’ at hindi sabotahe o ‘hacking’.

Bago niyan, noong February, naharap din ang airport ground services operator Swissport sa isang ransomware attack na nakaapekto sa Zurich Airport services.

Ang insidente ukol sa Swissport, na siyang nangangasiwa sa karamihan ng airport operations kabilang na ang baggage handling, aircraft fueling and security, at check-in gates, ay nakalikha din ng pagkaka-delay ng flights. Dahil sa nasabing air traffic computer issue, sinabi ng mga opisyal ng Miami International Airport (MIA) na nagkaroon nga ng ‘nationwide ground stop to and from Florida due to a radar link outage’.

Umabot sa halos 270 delays at 19 flight cancellations ang iniulat noong Lunes mismo sa MIA Monday, habang sa Fort Lauderdale-Hollywood International Airport ay naranasan naman ang 290 delays at 33 flight cancellations. Kung sa malalaking bansa at airports ay nangyayari ito, ibig sabihin lamang na ang ganitong problema ay sadyang nangyayari nang biglaan, gaano man kahanda ang sistema o mga nagpapatakbo nito.

Saludo tayo sa maagap na pagkilos nina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, NAIA general manager Cesar Chiong at maging ni Captain Manuel Antonio Tamayo, Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines, na pawang personal na pinangasiwaan ang problema ng mga flight delays sa mismong New Year’s Day at iniwan ang kani-kanilang nakasalang na personal na aktibidad nang araw na iyon.

Sa ating magagaling ng pulitiko at mga bashers, mas makabubuti sigurong tulungan ninyong malaanan ng sapat na pondo ang aviation agencies ng bansa para makabili sila ng mas maayos na system at mas maraming backup system kesa pulitikahin pa ang isyu.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read