Nakalagay ngayon sa heightened surveillance ang lahat ng unit ng Department of Health(DOH) sa posibleng outbreaks ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis and dengue (W.I.L.D.) kasunod ng pananalasa ng Severe tropical storm Paeng.
Kasabay nito,muling inaktibo ng Department of Health(DOH) ang Inter-Agency Committee on Environmental Health (IACEH) kung saan nakatakdang mag convene sa Nobyembre 4,2022 para talakayib kung paano matutugunan ang Acute Gastroenteritis/Diarrhea Cases at Cholera Outbreaks na maaring makuha sa katatapos na bagyo.
“Sa ating mga kababayan na nangangailangan ng mga serbisyong pangkalusugan ngayong panahon ng bagyo, makakaasa po kayo na mayroon kayong DOH na masasandalan sa inyong mga lugar at evacuation centers. Sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, we will ensure that health services are unhampered, and that our healthcare facilities are always ready to provide healthcare services to patients seeking care,” ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire.
Samantala, gumugol ang DOH ng P31 milyon ng kanilang resources bilang ayuda sa mga naapektuhan ng Severe tropical storm Paeng.
Sa pamamagitan ng Centers for Health Development (CHDs), sa pakikipag koordinasyon sa regional at local health and disaster response offices, ay patuloy na susuppeta sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng pagdi-deplou ng mga human resources for health (HRH), provision of emergency at iba pang health commodities, patuloy na monitoring ng healthcare facilities, at augmentation ng kanilang resources.
Ayon sa DOH bilang preparasyon da bagyo, may kabuuang P31,063,736.14 halaga ng gamot, medical supplies, at iba pang commodities ang ipinosisyon ss Regions I, II, CAR, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, CARAGA, BARMM, and NCR.
Bilang karagdagan ,may kabuuang ?72,803,656.64 halaga ang nakahanda para sa mobilisasyon sa DOH Central Office Warehouse.
“Bago pa po mag-landfall and bagyo ay naghanda na ang DOH dahil alam po natin na marami ang maaapektuhan ng bagyong Paeng,” ayon kay OIC Health Secretary Maria Rosario Singh-Vergeire said. “Kaya po milyun-milyong halaga ng resources and other commodities ang atin nang na-preposition sa iba’t ibang CHDs upang mapadali at agad na ma-deploy ang mga ito kung kinakailangan,” dagdag pa ng opisyal.
Nalaman na nag deploy na rin ang DOH ng HRH sa may 633 evqcuation venters sa mga apektadong lugar sa bansa.














