Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng facemasks ng mga nasa ‘vulnerable sector’ habang hinihintay pa ang karagdagang impormasyon kaugnay sa pagsirit ng ‘mycoplasma pneumoniae’ sa mga bata sa China.
‘Magsuot pa rin tayo ng face mask lalo na ang ating mga senior citizen na pwede nang pumila po ngayon. Libre po ang bakuna sa influenza,”ayon kay DOH Usec. Eric Tayag .
Gayundin, naglabas ng advisory ang DOH na magpatupad ng public
health at hospital preparedness measures.
Napag-alaman kay Tayag na ang ‘mycoplasma pneumoniae’ ay tinatawag na ‘walking pneumonia’ na ang Ibig sabihin, pag isinailalim sa x-ray ang isang ta o ay meron nang findings sa chest x-ray pero naglalakad pa rin at parang walang nararamdaman.
Unang sinabi ng DOH na binabantayan ang pneumonia outbreak sa China na nagsimula pa noong Oktubre.
Nabatid na inatasan ang mga taong may sintomas na sumailalim sa testing sa kabila nang ilang center lamang ang maaring. magkumpirma ng sakit kabilang na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng Department of Health (DOH).
“Konti lang ang nakakaalam kung ano ang sakit na ito…minabuti ng Kagawaran ng Kalusugan na magbigay ng impormasyon. Katulad ng COVID, bago pa mag-umpisa ‘yung ubo, lagnat ay nakakahawa ka na,”ayon kay Tayag.
“At ang kaibahan ng mycoplasma pneumoniae ay tatlong linggo na inuubo ka pa rin. So kung kayo po ay inuubo na ng matagal, bukod sa tuberculosis, baka meron na kayong walking pneumonia,” dagdag ni Tayag.
Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang ahensiya na tugunan ang posibleng pagtaas ng kaso ng pneumonia
Nakikipag- ugnayan ang DOH sa World Health Organization (WHO) para mapaigting ang surveillance sa.sakit.














