VP SARA, UMANI NG BATIKOS SA SIMBAHANG KATOLIKA

By: Philip Reyes

Hindi nagustuhan ng isang pari ng Simbahang Katolika ang kontrobersiyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at itatapon sa West Philippine Sea, kung magpapatuloy ang mga pag-atake laban sa kanya.

Sa mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches, sinabi nitong mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng Simbahang Katoliko.


Ayon pa kay Fr. Saballa, ang anumang pagpapahayag na nagtataguyod ng ganitong uri ng hakbang ay hindi makakatulong sa pagpapanatili ng pagkakaunawaan at respeto sa lipunan.

Idinagdag din ni Fr. Saballa na mahalaga ang pagpapanatili ng dignidad at respeto, hindi lamang sa mga nabubuhay kundi pati na rin sa mga namayapa, lalo na sa kontekstong ito na may kinalaman sa isang dating pinuno ng bansa.

” It is essential to remember that even individuals with whom we may have disagreements or conflicts deserve to be treated with dignity and respect, both in life and in death,” ayon pa sa pari.


Ani Saballa, mahalaga ang mapayapang pag-uusap.

” In times of controversy or discord, it is crucial to seek solutions through peaceful dialogue, understanding, and reconciliation, rather than through actions that promote further division or hostility,” dagdag pa nito.


Kaugnay niyan ay nanawagan din si Saballa na balikan ang mga aral ng Simbahan ukol sa malasakit, pagpapatawad at paggalang sa dignidad ng bawat isa.


Tags: Vice President Sara Duterte

You May Also Like

Most Read