Dapat umanong pangalanan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang mga sinasabi nitong ‘pro-China’ officials na dapat mag-resign, dahil ultimo umano ang Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay ‘suspect’ sa kanyang akusasyon.
‘Kailangan niyang pangalanan kung sino ‘yung mga officials na tinutukoy niya na nagde-defend sa China over the West Phiippine Sea (WPS) issue,” ani Vice President Sara Duterte.
Ayon pa kay Duterte, dapat na maglabas si Teodoro ng listahan ng mga opisyal na pinatutungkulan nito.
Dahil hindi umano pinangalanan ni Teodoro ang sinasabi nitong pro-China officials are, maging ang Presidente ng bansa ay ‘suspect’ din.
“Kasi, hindi pwedeng magbitaw ka ng ganun na salita, hindi mo naman papangalanan ‘yung mga opisyal. Siyempre, suspect kahit ang Presidente natin, kasali sa suspect duon kasi walang pangalan, walang listahan ng pangalan eh,” ayon pa kay Duterte, nang hingan ng reaksyon ukol sa panawagan ni Teodoro na magbitiw ang mga opisyal na hindi suportado ang polsiya ng bansa sa WPS.














