VP Sara Duterte kumalas sa Lakas-CMD

NAGHAIN si Vice President Sara Duterte ang kanyang “irrevocable resignation” bilang miyembro ng Lakas-CMD epektibo Mayo 19.

Sa pahayag ni VP Duterte, hindi niya idinetalye ang dahilan kung bakit siya nagpasyang umalis sa partido.

Matatandaang ang Lakas-CMD ang nagbigay ng Certificate of Nomination ng tumakbo siya bilang bise presidente noong 2022.


Gayunman, nagpasalamat si Duterte sa mga miyembro ng partido sa suportang ipinakita sa kanya para maisulong ang kanyang pangarap para sa bansa at mga Pilipino.

Nangako rin si Duterte na ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bansa katulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


“Magtiwala na ang aking salita, ang aking pangako ay hindi mababago.

“Narito ako ngayon dahil sa tiwala ng sambayanang Pilipino sa akin na pamunuan at pagsilbihan sila at ang bansa, at hindi ito maaaring lason ng political toxicity o masira ng mapang-akit na political powerplay,” pahayag ni Duterte.


Nanawagan din siya sa lahat ng pinuno na tumutok sa mga gawaing dapat gampanan para makapag-iwan ng pamana ng isang matatag na Pilipinas.

Noong Pebrero, muling bumalik si Duterte sa kanyang posisyon bilang chairperson ng Lakas-CMD habang nanatiling chairperson ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang regional political party na nauna na niyang itinatag.

Tags: Vice President Sara Duterte

You May Also Like

Most Read