NANINIWALA ang Commission on Election na hindi mapipigil ng may 32 million na na boto ni Vice Presidente Sara Duterte ang bantang impeachment process na ihahain laban sa kanya.
Hindi umano magagamit ni VP Sara ang kanilang mandato para sagkaan ang impeachment process laban sa kanya ayon sa Commission on Elections.
Magugunitang may 2 impeachment complaints ang inihain laban kay VP Sara sa kongreso sa pangunguna ng Makabayan block habang bago mag adjourn ang kongreso ay inaasahang ihahabol ang isa pang impeachment complaint kay Duterte na kaugnay umano sa betrayal of public trust
Magugunitang paulit ulit na ibinasura ni Duterte ang panawagan sa kanya na magbitiw na sa puwesto bunsod ng isinasagawang imbestigasyon sa house of representative kaugnay kanyang daan daang pisong confidential and intelligence fund noong 2022 at 2023.
Mariing itinanggi ng pangalawa pangulo ang mga akusasyon laban sa kanya hinggil sa umanoy alleged misuse ng mahigit P612.5 million in confidential funds.
“Hindi pwedeng gamitin ng isang impeachable public official ang kanyang mandato sa pamamagitan ng boto para lang hindi siya mapatalsik o mapaalis. Kasi kinakailangan, kahit Presidente ng Republika ay pwedeng ma-subject sa tinatawag natin na impeachment,” paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia.
Sa ilalim ng Saligang Batas , tanging sa pamamagitan lamang ng impeachment maaaring sibakin sa pwesto ang mga top government officials kabilang ang President, Vice President, Supreme Court justices, Ombudsman, at kasapi ng Constitutional Commissions gaya ng Comelec, Civil Service Commission, and Commission on Audit.
Subalit ang proseso ay kailangan dumaan sa paglilitis ng Senado.