Latest News

VP debates ng Comelec, itinakda sa March 20

NAKATAKDANG magdaos ang Commission on Elections (Comelec) ng vice presidential (VP) debate sa Marso 20, 2022, kaugnay nang nalalapit na May 9 polls sa bansa.

Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang debate sa pagitan ng mga kandidato sa pagka-bise presidente, ay idaraos isang araw matapos ang presidential debate na nakatakda naman sa Marso 19, 2022.

Gayunman, isa aniya sa siyam na vice presidential bets ang hindi makakadalo sa naturang debate dahil sa medical concern.


“All VP candidates confirmed except one who, unfortunately, I think will be undergoing surgery… Si Lito Atienza,” ayon pa kay Jimenez.

Kabilang naman sa mga makakadalo sa debate ay sina Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte-Carpio, Manny Lopez, Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio at Vicente Sotto III.

Ang national at local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read