Voter registration, suspendido muna ngayong Undas — Comelec

By: Jerry S. Tan

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na pansamantala muna nitong sususpindihin ang lahat ng voter registration activities sa bansa ngayong Undas.

Ayon kay Garcia, ang suspensiyon ay ipatutupad mula tanghali ng Oktubre 30, Huwebes, hanggang Nobyembre 2, Linggo, upang bigyang-daan ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.


“Bilang paggunita sa Undas suspendido ang voter registration mula tanghali ng Oktubre 30, 2025 hanggang Nobyembre 2, 2025. Kasama ng buong bansa, iginagalang natin ang alaala ng mga yumao na. Sa pamamagitan ng panalangin, pag-aalay, at pagninilay-nilay, pinapanatili nating buhay ang kanilang espiritu sa ating mga puso. Nawa’y makatagpo ng kapayapaan at liwanag ang kanilang mga kaluluwa,” dagdag pa ni Garcia.

Matatandaang ipinagpatuloy ng Comelec ang voter registration sa bansa noong nakaraang linggo para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay sinimulan noong Oktubre 20, 2025 at magtatapos sa Mayo 18, 2026 at hindi naman kasali dito ang mga lugar sa Bangsamoro na magkakaroon ng sariling registration period sa susunod na taon.


Tags: Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like

Most Read

Latest News