Ipinaliliwanag ni Comelec Chair George Garcia ang posibilidad na suspindihin ang BSKE voter registration.

Voter registration sa BSKE sa Hulyo, posibleng suspindihin ng Comelec

By: Jerry S. Tan

May posibilidad umanong suspindihin ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BKSE) na nakatakda sana sa Hulyo 1.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kasunod na rin ito ngnapipintong pagpapalawig sa termino ng mga barangay at SK officials at panukalang ipagpaliban ang naturang halalan sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.


Ayon kay Garcia, dapat na maunawaan ng lahat na ito ay isang political decision na hindi maaaring pakialaman ng Comelec, lalo na ng kanilang legislative department.

Paniniguro pa niya, igagalang nila ang desisyon at tatalima sila sakaling matuloy ang panukalang pagpapaliban ng halalan.

Aniya, “Ginagalang natin yan at kung ano mapagkasunduan nila, susunod ang Comelec lalo na ito ay pagpapaliban ng isang halalan.”


Mag-aantabay rin aniya sila sa desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung aaprubahan o ibi-veto ang naturang panukala.

Dagdag pa ng poll chief, magdaraos ang Comelec ng emergency meeting sa susunod na linggo upang talakayin ang ginagawang paghahanda para sa BSKE, kabilang na ang pagbili ng mga requirements at posibleng suspensiyon sa voter registration.


“Yan ay isa sa mga pinakamataas na consideration namin — na kung magkakaganun might as well gawin na lang namin ang voter registration pang-BSKE, simula na lang after ng Bangsamoro elections at pahabain namin kahit ilang buwan sa taon na to, halimbawa October hanggang August next year,” dagdag pa nito.

Matatandaan na ang BSKE ay nakatakda sanang idaos sa Disyembre 1, 2025.


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like

Most Read