Latest News

‘Vote buying’ na dahilan sa pagkamatay ng 60-anyos: FAKE NEWS

“FAKE news.”

Ito ang mariing pahayag ng bunsong anak ng 60-anyos na hinimatay sa isang event at nasawi sa isang ospital sa Quezon City, matapos iulat ng isang local radio station na vote buying ang dahilan ng pagkasawi nito.

Sa isang ekslusibong panayam ng Ate Rose Lin Facebook Page kay Geraldine Deguangco, anak ni Maria Emelita Deguangco o Mommy Emy sinabi nito na… “Liliwanagin ko po sa lahat na nakapanood na sinasabing vote buying, hindi po yun totoo. Ang ipununta po ng mama ko sa event ni Ate Rose Lin ay para makakuha ng scholarship sa tatlong anak ko.”


Idinagdag pa ni Geraldine na kahit kailan ay hindi siya nakapanayam ng isang radio station.

“Ang sinasabi kasi sa fake news na ‘to, nagpa-interview daw po ako. Hindi po ako nagpapa-‘interview kahit kanino. Ito pa lang po ang unang-unang interview ko. Liliwanagin ko po, walang nag-interview sa akin na kahit na sino. Ito pa lang po ang una,” giit ni Geraldine.

Ibinunyag din ni Geraldine na may isang grupo na pinaniwalaang mula sa kalabang pulitiko na nagtangkang kunin ang bangkay ng kanyang ina sa ospital, para gamitin sa pansarili nitong interes.

Ayon kay Geraldine, mismong ang doktorang umasikaso sa kanyang ina ang nagsabi na may nagpunta sa ospital para kunin ang bangkay ng kanyang ina. Nagpakilala pa ito na pinsan ng nasawi.


“Anong purpose nila para i-claim yung nanay ko? Gusto nilang kunin yung impormasyon namin? Impormasyon ng nanay ko? Para gamitin sa politics, para tumaas sila.” ayon pa kay Geraldine.

Samantala, sa personal na paghaharap nina Congressional candidate Rose Nono-Lin at Geraldine sa burol ni Mommy Emy ay nagpahayag ng pakikiramay ang nangungunang kandidato bilang kinatawan ng District 5 ng Quezon City, at dito ay personal na ipinaabot ng negosyante ang kanyang tulong sa mga naulila ni Mommy Emy kabilang na dito ang pagsagot sa pagpapalibing at paglilibingan.

Malaki ang pasasalamat ng mga naulila ni Mommy Emy, pero ang higit na nakapagpaiyak sa kanila sa tuwa ay ang personal na pagbibigay ng full grant scholarship kay Geraldine at sa tatlo pang anak nito ng negosyanteng ring si Lin.

“Di ba sinabi mo na nag-aaral kayo? Kung gusto mo mag-senior high ka. Tutulungan kita kasabay ng pagtulong ko sa mga anak mo. Ipu-full grant scholar ko silang tatlo plus ikaw. Gusto mong mag-aral kung saan mo gustong mag-aral. Ibig sabihin wala kang iisipin sa tuition at kung anumang pangangailangan nyo. Kami na ang magpoprovide nun.” Pahayag ni Lin.


Maliban pa sa full scholarship na ipinagkaloob ni Lin sa anak at mga apo ni Mommy Emy ay ginawan niya rin ito ng sariling scholarship program para sa 100 estudyante, na ang mamimili ay ang pamilya ng nasawi.

“Bilang pagkilala kay Nanay Emelita magpoprovide kami ng scholarship good for 100. Pero kayo ang mamimili gaya ng ginagawa namin at ipapangalan natin kay nanay, hindi ko pangalan. Para in honor kay Nanay. Kaso alam ko si nanay may mga tinutulungan yan. May mga kaibigan yan na may mga anak na gusto rin niyang makapasok. So, yun ang ibibigay namin, ” ayon pa kay Lin.

Tags: Rose Lin

You May Also Like

Most Read