Nawindang si Luis Manzano dahil ang bilis na humakot ng million views ang interview niya kay Melai Cantiveros sa kanyang YouTube Channel.
Hindi inaasahan ng TV host na wala pang isang araw na napo-post ang kanyang latest vlog sa “Luis Listens” ay nag-milyon na agad nag views nito.
Pinag-usapaan ng dalawa ang childhood days ni Melai kung saan sinabi niyang ang mga kaibigan niya ang sumusupoerta sa kanya kapag may mga gala-gala raw sila.
Nag-aambag-ambag daw ang mga ito para lang makasama siya.
Kuwento pa ni Melai, kung ano lang ang nasa bulsa ng tatay niya ay yun na lang yun.
Kaya fiesta na raw sa kanila kapag nakapag-softdrinks sila.
Napag-usapan din nila kung papano siya napasok sa PBB.
Say ni Melai, mga kaibigan daw niya ang nag-push na mag-audition siya.
Ayaw daw niya, pero panay daw ang tulak ng mga kaibigan niya at may nagbiro pa nga raw na “as if mananalo ka.”
Pero go na rin daw siya kahit pa nasa 5,000 daw ang number niya during the audition.
Pagbabalik-tanaw ni Melai, ang dami raw tanong at dami niyang pinagdaanan bago naiabot sa kanya ang susi sa “Bahay ni Kuya,”palatandaan na nakapasok na siya.
At lalo hindi raw niya akalaing siya ang magiging winner.
Napag-usapan din nila si Jason Francisco, ang mister ni Melai.
Opposite daw silang mag-asawa.
Kung si Melai ay komedyana, si Jason ay tahimik lang.
Pero ang nakakapagpasaya raw sa kanya ay kapag nagbibiro na ang asawa.
Kaya naman laking gulat ni Luis nang makita ang views ng vlog nila ni Melai.
Ani ng TV host sa kanyang IG Page:
“Ibang @mrandmrsfrancisco ang makikita niyo sa Luis listens. Sometimes, the happiest people hide the deepest pain. Thank you Melai.”
Reaksyon ni Luis: “Grabe @mrandmrsfrancisco! Napakalakas ng vlog mo!”














