Latest News

Visa ng mahigit 1,400 Chinese nationals, kinansela

Mahigit sa 1,400 Chinese nationals na nagta -trabaho sa iligal na Philippine Offshore and Gaming Operation (POGO) ang kinanselahan ng Bureau of Immigration (BI) ng visa.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Spokesman Asec Mico Clavano, aabot sa1,424 mula sa 48,000 POGO workers ang nakansela na ang visa.

“Out of the 48,000 plus, 1,424, as of Monday, ang na-kansela na po,” ayon kay Clavano.

Unang sinabi ni Justice Secretary Jesus Remulla na sa halip na ipa-deport ang mga Chinese nationals na nagta-trabaho sa iligal na POGO, mas mabuti na kanselahin na lamang ang kanilang mga visa.

Nag-ugat ang pagkansela sa mga visa ng Chinese nationals matapos na masangkot ang ilang POGO workers sa kidnap- for- ransom at iba pang krimen laban sa kanilang mga kabaro. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read