Isang vintage bomb ang natagpuan ng mga construction worker habang naghuhukay sa construction site ng University of Sto.Tomas kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila
Sinabi ng Manila Police District -District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU) na ang vintage bomb ay isang ‘An-Tank Rifle Grenade’.
Napag-alamang alas- 3:10 ng hapon nang matagpuan ang vintage bomb ng mga naghuhukay sa nasabing lugar.
Itinawag ni Joseph Badinas, UST Security Commander, ang nakitang vintage bomb sa MPD-Police Station 14 na siyang tumawag sa DECU para sa tamang disposisyon nito.