Iniluwa sa hinuhukay na construction site para sa isang gusali ,ang isang 81 mm mortar habang naghuhukay ang isang obrero,kamakalawa ng hapon sa itatayong 12 palapag na gusali sa may Remedios St.Malate,Maynila.
Ayon sa Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU ) ,nahukay ang isang lumang 1 81mm Mortar illum na hindi pa sumasabog.
Ayon kay PSMS Alejandro Pancho , ng MPD-DECU, alas 3 ng hapon nang itawag ang nahukay vintage bomb.
Nalaman na nahukay ni Mark Vincent Villegas, construction worker at taga Baseco Compound na kaagad ipinaalam sa kanilang Security officer na si Richard Arancana.
Dinala ng mga tauhan ng MPD -DECU,ang vintage bomb para sa disposisyon.














