BER month na naman kaya ang former gorgeous sexy star na si Vilma Vitug ay muling babalik sa Pinas.
Every year umuuwi sa bansa ang former actress na over 36 years nang naninirahan sa Los Angeles, California.
Although American citizen na si Double V, hindi niya nakakalimutang bisitahin ang kanyang pinagmulan tuwing October para i-celebrate ang birth month ng kanyang pamilya, especially ng mahal niyang ina.
And of course, kasama na rin ang inyong lingkod dito dahil October din ang birthday ng inyong yours truly.
Vilma has three children — Rindy, Sam at Trisha — sa kanyang first husband, who all grew up well kahit
marami siyang challenges na kinaharapnsa buhay.
She is now Mrs. Vilma Jennings, married for 20 years kay Al Jennings na isang successful businessman sa US tulad ni Double V.
She loves to travel around the world pero madalas daw ay business with pleasure.
Hindi man bumalik si Vilma sa showbiz, but she’s eyeing to produce concerts or produce indie films soon.
May sarili din naman siyang production sa abroad — Vilma Vitug Production, Intermational — at nai-produce na niya ng concert doon si Geneva Cruz.
Sa pag-uwi ni Double V this October at matapos maki-celebrate sa aking birthday on October 21, she’s flying to Hong Kong para i-treat and dalawa niyang lucky subscribers and vloggers din na sina Jennybeth Ausan at Cedei Ann Dagno.
Vilma said para na niyang anak ang dalawa. Last year kasama niyang nag-travel si Cedei Ann sa Singapore habang si Jennybeth ang kasama niyang nag-tour around the Philippines.
After her HK trip, magpo-focus na siya para sa special birthday celebration ng kanyang mom sa October 29 with other family members.
Vilma also makes sure na nagbo-bonding sila ng best friend at cousin niyang sina Geneva at Maritoni Fernandez.