Inaresto ng mga ahente Ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Vietnamese national na nagpapanggap bilang “beauty doctor” sa isang operasyon sa Mandaluyong kamakailan lamang.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 10 in relation to Section 28 of R.A. No. 2382 (Illegal Practice of Medicine) ang suspek na si Trinh This Kieu Nguyen, alyas ‘Dr.Rosa’.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang suspek ay inaresto ng mga ahente ng NBI – Organized and Transnational Crime Division (OTCD) sa kanyang beauty clinic sa Mandaluyong.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI ukol sa iligal na aktibidad ng suspek kaya nagsagawa ng beripikasyon ang NBI-OTCD.
Nakumpirma na ang babaeng Vietnamese national ay nag-aalok ng eyelid surgery, vaginal tightening, botox at iba pang cosmetic procedures sa JK Beauty Clinic (JK) na matatagpuan sa ground floor Ng Jovan Condominium Building sa Mandaluyong City.
Isang confidential informant ang umaktong customer at nagawang makakuha ng appointment sa JK para sa botox procedure sa halagang P8,000.
Nang sisimulan na ang botox noong Enero 8, 2025 ay doon na inaresto ang suspek ng NBI.
Ang suspek ay ipinagharap ng kaso sa Mandaluyong Prosecutor’s Office.