VICE PRESIDENTIAL SECURITY AND PROTECTION GROUP, NI-REORGANISA

By: Victor Baldemor Ruiz

Isinailalim sa isang reorganization ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ni Vice President Sara Duterte.

Nilinaw ng AFP na hindi nila binuwag ang VPSPG at sa halip ay kanila lamang itong ni-reorganisa bilang AFP Security and Protection Group (AFPSPG) bilang bahagi ng kanilang rationalization and streamlining efforts na sinimulang ipatupad noong February 2025, na aprubado ng Department of National Defense.

“This administrative adjustment was undertaken to unify security and protection operations. It ensures the continued, uninterrupted and robust protection of the Vice President within a more integrated and optimized framework,” paglilinaw ni Col Xerxes Trinidad, AFP Public Affair office chief.


Ginawa umano ng AFP ang paglilinaw matapos na umugong ang mga balitang binuwag na ang mismong security detail ni VP Sara.

Sa inilabas na pahayag ng AFP, hindi umano binuwag ang VPSPG at nilinaw na nagsagawa lamang sila ng adjustments sa hanay nito kung saan pinalitan at ginawa na itong “AFP Security and Protection Group” (AFPSPG).


Kaugnay nito ay umapela ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na iwasan na ang pagpapakalat ng mali o misleading information.

Sa halip umano ay gamitin na lamang ang ating mga communications platforms sa pagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan at pagkakaunawaan at hindi paghahasik ng ng pagkakawatak -watak, galit at pagkahati-hati, aniya.


You May Also Like

Most Read