Latest News

Vice presidential at presidential townhall debates, iniurong ng Comelec

INIURONG ng Commission on Election(Comelec) sa Abril 30 at Mayo 1,ang nakatakdang vice presidential at presidential town hall debate ngayon araw (Abril 23 at 24.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia ,ini-reschedule ang debate dahilnsa mga hindi inaasahang pangyayari.

“We will not be able to proceed with the debate for tomorrow and Sunday. Hindi po natin ito matutuloy pero hindi po siya [but they are not] cancelled. Reset lang po by next week, by April 30 and May 1,” ayon kay Garcia.


Nabatid kay Garcia na ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ,ang ka partner ng Comelec sa pag re schedule ng debate.

Nalaman na nag alok umano ng tulong ang KBP para makapagsagawa ng debate ng libre.


will be the poll body’s partner in the rescheduled debates. He said the KBP offered to help in conducting the debates “for free.”

Nabatid na na-postpone ang Debate dahil ang contractor ng Comelec na Impact Hub Manila ay hindi pa nababayaran ng buo ang Sofitel Garden Plaza, na siyang opisyal na venue ng debate.


Sanhi nito,nagbanta ang Philippine Plaza Holdings Inc. (PPHI), Sofitel’s owner na mag pull-oit sa kanilang agreement.

Sa ulat,nag-demand ng kabayaran ang
PPHI, matapos na tumalbog ang checks inisyu ng Impact Hub.

Sinabi ni Garcia nalaman ng Comelec ang insidente nang personal na pumunta sa Comelec ang kinatawan mg Sofitel at ipinaalam ang nangyari.

“Nalaman namin yung problemang yan noong mga nakaraang araw lamang. Personal na pumunta rito yung representatives ng Sofitel upang sabihin na may mga tseke nga raw na nag-bounce sa kanila ng aming partner,” ayon kay Garcia sa isang press briefing.

Humingi umano ng tulong sa Comelec ang kinatawan ng sofitel para makakolekta ng bayad sa kanilang partner pero sinabi ni Commissioner Aimee Ferolino, na walang kinalaman ang Comelec sa kontrata sa pagitan ng Impact Hub at PPHI.

Tiniyak ni Ferolino na papalitan na ang lugar kung saan gagawin ang debate. (Jaymel Manuel)

Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read