SPECIAL guest last Saturday episode ng It’s Showtime ang Kapuso star na sina Michael V at Manilyn Reynes.
Nagkita muli ang dating magkasama sa longest-running gag show sa TV — ang Bubble Gang — na sina Bitoy at Ogie Alcasid.
Bukod kay Ogie, first time din nagkasama sa isang show sina Bitoy at Vice Ganda at mga kasamahan sa Kapamilya noontime show.
Ayon sa hosts ng Showtime Online U, number one trending sa Kapamilya Online Live at A2Z ang paglabas nina Bitoy at Mane sa nasabing episode last Saturday.
Dahil sa collab ng ABS CBN at GTV (sister company ng GMA-7) ay puwede nang mag-guest ang ilang Kapuso stars sa Kapamilya show. Hindi tuloy naiwasan na matanong si Paolo Contis, isa sa mga hosts ng Eat..Bulaga!, tungkol sa bagay na ito.
Tinanong si Paolo kung nasaktan o naapektuhan ba siya kapag nalaman na mas gusto ng ibang Kapuso artists na mag-guest sa karibal nilang show na It’s Showtime kaysa mag-guest sa EB.
Sabi ni Paolo: “Hindi mo masisisi yung mga ganun. Kasi siyempre, personal nilang desisyon. Meron din silang…siyempre, hindi mo masasabi kung may takot (sa Kapuso Network), o merong personal na investment with others, di ba? You can not take that against them.
“Basta kami, kung OK sa inyong mag-guest, bakit hindi? Thank you. Kung hindi, eh, then we have to move on. We cannot take it against them. Ano naman yun, eh, hindi kasi normal yung naging circumstance nu`ng buong pangyayari. So, hindi mo sila masisisi.”
Kuwento pa ni Paolo na umaabot na sa 25 minuto ang commercial load ng kanilang programa na ibig sabihin ay tumataas na ang viewership ng EB!
“Halos magkakadikit na ang ratings ng noontime show na Eat…Bulaga!, E.A.T,. at It’s Showtime. May lamang na point 1, point 2, normal naman yun. Kumbaga, feeling ko naman, pag-tiningnan mo in general, kung advertiser ka, hindi na siya masyadong magkakalayo, di ba? So, ano ngayon kung number 2 ka?” katuwiran ni Paolo.
Sabi pa niya: “Sanayan lang talaga. Nung una, talagang pagod. Yung boses mo, nawala. Pero very fulfilling siya, eh. Ako. sa totoo lang, enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko. Alam naman ng Sparkle yan, alam ng GMA yan, pangarap kong maging host.”
Going back sa paglabas ni Michael V sa It’s Showtime last Saturday, marami agad ang na–excite sa post ni Bitoy sa posibilidad na magka-collab sila ni Vice.
Ipinost ni Bitoy sa kanyang Instagram ang mga larawan nang magkita sila ni Vice sa GMA Gala Night 2023 at nang mag-guest nga siya sa It’s Showtime.
Sabi ni Bitoy: “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko….”possibilities.” In a time na parang ‘puwede na’ ano sa tingin n`yo ang posibleng mangyari?”
Okey sa followers ni Bitoy ang posibilidad na magsama sila sa isang proyekto ni Vice at hirit ng mga fans ay movie ang gawin nila at pang-MMFF daw.
May nag-request naman na mag-guest muna si Vice sa Bubble Gang, habang pinaghahandaan pa kung ano ang puwede nilang pagsamahan na project.