PATULOY na tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang puganteng dating Vice Mayor ng Maimbung Sulu na nakatakas sa ikinasang law enforcement operation na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng siyam na iba pa kabilang ang isang pulis kamakalawa ng umaga.
Sa ibinahaging ulat ni Armed Forces of the Philippine chief of Staff General Andress Centino , All of the wounded from pnp side ang total is 8, 1 rin passed away yesterday (Saturday) , meron ding 1 sundalo from 41st IB merong slight wounds.
Dalawa sa mga sugatang pulis ang kritikal at kinailangang ilikas ng isang Black Hawk Helicopter ng Philippine Air Forces mula Sulu patungong Zamboanga City.
Nilinaw ni General Centno na “We would like to correct the impression, it’s not an encounter it’s a serving of a warrant, a law enforcement operation.”
The incident that happened yesterday, was a law enforcement operation done by the AFP and executed by the SAF sa Sulu. As part of joint peace and security coordinating center mechanism, obliged ang AFP to support the law enforcement operation ng PNP, pahayag pa ng heneral.
Sinasabing isang Law Enforcement Support Operations ng Army 41st Infantry Battalion ang isinagawa para suportahan ang PNP- CIDG 9 at 7th Special Action Battalion ng PNP ang naganap kamakalawa ng umaga sa Barangay Bualo Lipid, Maimbung, Sulu at pakay nito si ex-vice mayor Pando Mudjasan alyas Pando na isang MNLF commander.
Nakatakas si Pando sa kasagsagan ng kaguluhan matapos paputukan ng kanyang mga kasamahan ang mga pulis na magsisilbi sana ng arrest warrant .
“As reported, ang SAF ang nag serve, there were sufficient number kaya ganun na lang kalaki ang ipinadala ng PNP, unfortunately talagang merong resistance from the group of Mudjasan when they were attempting to enter kung saan ang lugar na iseserve ang warrant, ayon sa inisyal report.
Wala namang reports na ganyan, ang treatment lang ng PNP ay ise-serve lang ang warrant sa kanya it’s not, we’re not talking about any group. It just happened na meron siyang kasamahan noong pinuntahan, paglilinaw ng AFP.
Naniniwala naman si Gen Centino na isolated case lamang ito at hindi ito mauuwi sa malaking kaguluhan…, it just happened na may law enforcement operation na ginagawa pa because obviously these were offenses committed in the past at sine serve lang itong mga warrants, nangyayari lang na merong resistance,
“Perhaps this is unfortunate, we don’t want na maging problema ito, we are making sure na hindi na lalaki ang problema
The local govts also supported by armed forces are making sure those affected (yung mga natakot) ,.., we’re making sure na kung saan sila aalis at pupunta, their needs are being attended to, pinagtutulungan yan ng local govt at armed forces dagdga pa ng heneral.