Nag-umpisa nang umere noong Sabado ang It’s Showtime sa GMA-7.
May usap-usapan hanggang six months lang umano ang kontrata ng noontime show nila Vice Ganda sa Kapuso Network upon signing last March 20.
May nagsasabi pang pwede rin daw nilang iterminate ang programa.
Ayon pa sa isang ulat na six months lang daw ang kontrata ng noontime show sa GMA-7, renewable naman daw ito.
Anyway, bongga ang ginawang paghahanda ng noontime show sa una nilang airing sa GMA-7.
Pinaghandaan talagang mabuti dahil isinabay na ito sa birthday celebration ng main host na si Meme Vice.
Sanib-pwersa ang artists ng Kapamilya at Kapuso.
Despite sa kasayahang nagaganap, may rumor na lumalabas na ang Kapuso network ay may option na i-terminate ang ang kanilang kontrata.
“Pero totoo bang may option diumano to terminate ang GMA 7 sa contract nila? Or totoo rin bang six months lang ang contract nila sa GMA pero renewable?” tanong ng ilan.
Wala pa namang reaksyon ang Kapamilya noontime show at Kapuso network sa alegasyong ito.
Sa ngayon, Ini-enjoy muna ng grupo ang kanilang programa.
Tulad na lang ng production numbers ng mga host.
Ang pinakabongga ay ang ginawang pag-upo ni Meme Vice sa logo ng GMA-7 na hindi pa nagawa ng kahit sinong Kapuso.














