Latest News

VICE GANDA MAGBE-BIRTHDAY PARTY SA DEBUT AIRING NG ‘IT’S SHOWTIME’ SA GMA-7

By: Beth Gelena

LAST March 31 ang 48th birthday ni Vice Ganda.

Ani ng Unkabogable Phenomenal Star, “makasampa sa GMA” ang kanyang greatest birthday gift.


Esplika niya: “It’s gonna be a double celebration. Kasi yung April 6 naka-schedule for my birthday episode bago pa nagkaroon tong turn of events na pumirma sa GMA nabuo na namin yung birthday episode. So tamang-tama, madadagdagan doon sa unang birthday episode.”

Tiniyak pa niyang “engrande,” “double celebration,” at “Philippine TV history” ang mangyayari sa April 6.

Debut airing din kasi ng It’s Showtime sa GMA-7 kung saan ang noontime show ng ABS-CBN ang ookupa sa timeslot na iniwan ng Tahanang Pinakamasaya.


Say ni Meme Vice: “It’s gonna be a double celebration. Hopefully, madami kaming makuha na mga stars ng GMA sa araw na yun para maramdaman talaga natin yung sanib-pwersa and collaboration just like what we did sa GTV.”

Wala na raw pang mahihiling pa si Meme Vice sa kaarawan dahil pinakabongga na raw na nangyari ito sa pinakamamahal niyang It’s Showtime — na may bago na itong tahanan.


“Feeling ko, ito yung pinakamalaki na natanggap ko, itong oportunidad na makasampa sa GMA, makapag-reach ng mas malaking audience, malaking blessing to sa It’s Showtime and napakahalaga sa akin ng pamilyang to. Ito na pinakamalalang gift para sa akin,” say ni Meme Vice.


Tags: Vice Ganda

You May Also Like