HINDI na pala tinuloy ni Ion Perez ang pagtakbo bilang konsehal sa kanilang lugar sa Pampanga.
Ang daming nagulat, lalo na si Vice Ganda, nang magdesisyon si Ion na mag-file ng certificate of candidacy bilang konsehal sa kanilang distrito sa Pampanga.
Na-surprise daw talaga ang TV host.
Pero, sinabi naman niya sa isang panayam, na hindi raw kasi nila pinag-uusapan kapag may gustong gawin ang isa sa kanila.
Nagde-desisyon daw sila sa kani-kanilang sarili.
Kaya noong i-announce ni Ion na aatras na sa 2025 elections ay hindi na raw siya nagtaka.
Tinanong siya ng kanyang kaibigan na si Ogie Diaz, kung may role ba siya sa pag-withraw ng partner niyang si Ion sa candidacy nito.
Paliwanag ni Meme Vice: “Kaming dalawa, we don’t decide for each other. Hindi ako sasabihan ni Ion na dapat ganito yung gawin ko. Ako rin sa kanya, hindi ko rin sasabihin na dapat ganito yung gawin mo. Hinahayaan namin yung isa’t-isa na prumoseso ng mga bagay pero nakaalalay kami. Pwede kami magbigay ng suhestisyon, opinyon, lalo na kapag pinag-uusapan namin, pag nagpapalitan kami. Pero we will not decide for each other.”
Noong mag-decide raw si Ion na hindi na itutuloy ang pagpasok sa pulitika, hindi na rin daw siya nasorpresa dahil kilala raw niya si Ion eversince.
“Nung sinabi niya na hindi rin siya tutuloy, hindi na rin ako magtataka. Kasi yun din siya eh, kilala ko yung pagkatao niya na, mabuti kasi yung puso ng asawa ko. Hindi siya mag-aaksaya ng pagmamahal at tiwala at suporta sa kanya ng mga tao,” say ng Unkabogable Phenomenal Star.
“Sabi niya, ‘Hindi na ako tutuloy.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niyang ganun, ‘Kung tutuloy man ako, kailangan ko siyang paghandaan, pagplanuhan, lahat. So ngayon, ayokong ipahiya yun mga magtitiwala sakin,'” kuwento pa ni Vice.














