LAST year ay matatandaang pinatawan ng 14-day!suspension ang noontime show na “It’s Showtime” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa diumano sa paglabag sa ethics and conduct ng show.
Since then ay hindi pa nagkitang muli ng face-to-face sina Vice Ganda at MTRCB chair Lala Sotto.
Pero dahil sabi nga ay maliit lang ang mundong ginagalawan sa showbiz kaya siguradong magtatagpo rin ng landas ang dalawa sa isang event.
At nangyari nga ito sa isang fashion show na inorganize ng fashion designer na si Paul Cabral.
Mismong si MRTCB chair Lala ang nag-post ng kanilang pagkikita ni Meme Vice sa social media after bg suspension brouhaha.
Nagkita ang dalawa sa fashion event ni Paul Cabral sa Laperal Mansion last February 27.
Ayon kay Chair Lala, hindi inaasahan ang pagkikita nila ni Vice, pero masaya siya dahil sa wakas ay nagkita rin sila ng personal ng TV host/comedian.
“We finally met few years ago lang…I was so, so happy to have finally met Vice Ganda. For the first time ko siya nakita in person,” kuwento ni Chair Lala.
“It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami ru’n. Nakakatuwa kasi nobody introduced us. I just, of course, knew na siya si Vice Ganda. Then, nagkataon lang kasi napakaraming tao, so magkatapat kami. So ayan, nagkita kami, nagbeso kami…nakakatuwa. So happy, finally, nag-meet kami,” masayang sabi pa ni Chair Lala.
Maganda at walang intriga ang naging pagkikita ng dalawa dahil wala naman negatibong binitiwang salita si Vice laban kay Chair Lala after masuspende on air ang It’s Showtime.
“Nakakatuwa. Praise God. I was so happy,” dagdag pa ni Chair Lala.
In fairness kay Vice, never siyang may sinabing hindi maganda sa MTRCB, lalo na kay Chair Lala.
Ang hangarin kasi ni Vice, ay magbigay ng kasiyahan at hindi para makipag-way kahit kanino.














