NAGLULUKSA ang entertainment industry sa hindi pagpanaw ng veteran and multi-awarded na aktres na si Jaclyn Jose.
Ayon sa ulat na GMA 7, ang iconic star ay kumpirmadong namatay noong Linggo at hindi pa ibinabahagi sa publiko ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Ipinanganak noong Oktubre 21, 1964, sa Angeles City, Pampanga, bilang si Mary Jane Guck, nagsimula sa pag-arte si Jaclyn Jose sa mga ang pelikula sa ilalim ng direksiyon ng mga kilalang icon sa industriya tulad nina Lino Brocka, Chito Rono at Ishmael Bernal.
Nagkamit siya ng pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies at nanalo ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016 para sa kanyang papel sa Ma’ Rosa na idinerek ni Brillante Mendoza.
Ilan sa hindi malilimutang pelikula ng aktres ay mula sa pelikula ni Lino Brocka na White Slavery, Familia Zaragoza, The Flor Contemplacion Story, Patay na si Hesus, Mula sa Puso, Hiram, Zorro, at maraming iba pa.
Huli rin siyang napanood sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Naulila ng aktres ang kanyang mga anak na si Andi Eigenmann at Gwe Garimond.