MAARI nang maklasipika ang National Capital Region(NCR) bilanG “very low risk” sa COVID 19 sa Marso.
Ito ang paniniwala ng OCTA Research Group base sa pagbaba ng arawang kaso ng COVID19.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, sa kanilang pagtaya ,ang kaso ng mga bagong COVID19 ay bababa sa 200 bago matapos ang buwan ng Pebrero mula sa kasalukuyang 600 impeksiyon kada araw.
“The magic number to achieve very low risk classification is 140 new cases per day, which seems possible by March,” ayon sa tweet ni David .
Nabatid na natamo ng NCR ang very low risk classification noong Disyembre ,2021 bago sng surge dahil sa mas nakakahawang Omicron variant.
Samantala ang COVID-19 reproduction rate sa NCR ay bumaba na sa 0.23.
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng tao na nahahawaan sa isang kaso at ang reproduction na mas.mababa sa 1 ay indikasyon na bumabagal na ang hawaan ng virus.
Ayon kay David ang average daily attack rate sa NCR ay nasa 6.55 per 100,000 population habang ang positivity rate ay nasa 8.8%.
Ang healthcare utilization rate ay nasa 28.6% habang ang ICU utilization rate ay bumaba sa 30.8%.
SamaNtala,sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III ,nanatili na ang NCR ay nasa moderate risk na may ADAR na 12.22 at negative two-week growth rate.