Latest News

“Very high’ COVID positivity rates, naitala sa 4 na lungsod

APAT pang highly-urbanized cities (HUCs) ang nakakapagtala pa rin ng ‘very high’ na positivity rates sa COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research, na ibinahagi sa Twitter account ni Dr. Guido David.

Ayon kay David, ang Puerto Princesa City ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na nasa 39%.


Sinundan naman ito ng General Santos City na may 33%, at ng Iligan City at Naga City na may tig-21%.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpositibo sa COVID-19, mula sa bilang ng mga taong isinailalim sa testing.

Ang inirerekomendang positivity rate ng World Health Organization (WHO) ay 5% lamang.

Samantala, nasa high risk naman ang positivity rate ng Ormoc sa 19%, Iloilo City na nasa 15%, Cagayan de Oro na nasa 12%, at Cotabato at Zamboanga City na may tig-11%.


Ani David, klasipikado nang very low risk sa COVID-19 transmission ang Angeles City at Lucena City habang ng mga lungsod naman ng Bacolod, Butuan, Cebu, Cotabato, Dagupan, Lapu-Lapu, Mandaue, Olongapo, Ormoc, Santiago at Tacloban ay nasa low risk na sa COVID-19, gayundin ang National Capital Region (NCR).

Ang mga lungsod naman ng Baguio, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Iligan, Iloilo, Naga, Puerto Princesa, at Zamboanga City ay ikinukonsiderang nasa moderate risk sa COVID-19 transmission.

“HUCs as of 2.22.22, Angeles and Lucena at very low risk. NCR, Bacolod, Butuan, Cebu City, Cotabato City, Dagupan, Lapu Lapu, Mandaue, Olongapo, Ormoc, Santiago, Tacloban at low risk. Rest at moderate risk,” ani David. (Jaymel Manuel)


Tags:

You May Also Like

Most Read