Binigyang babala ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa pekeng website na ginagamit ang larawan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire para sa umano’y mabisang gamot sa cardiovascular disease.
Nilinaw ng DOH na walang sinumang opisyal ng ahensiya ang nagbibigay ng anumang pahayag kaugnay sa naturang “false cure” sa cardiovascular disease.
“Further, the department reminds everyone that non communicable diseases and comorbidities such as cardiovascular diseases can be prevented by practicing healthy habits such as proper diet and exercise among others, “ayon sa DOH.
Kasabay nito, nagbanta ang DOH na sasampahan ng kaso ang nasa likod ng naturang post kapag patuloy itong lumaganap.
Hinikayat ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng mga impormasyon sa lehitimong website at Facebook page ng DOH.














