Latest News

Vendor, patay sa suntok

Patay ang isang 38-anyos na vendor matapos na suntukin ng hindi nakikilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Sitio Taboc, Barangay Looc, Danao City.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Gil Albaño Nebria, taga-bayan ng Compostela, na idineklarang dead-on-arrival sa Cebu Provincial Hospital-Danao City.


Ayon kay PLieutenant Colonel Fortunato Ecle, Jr., chief ng Danao City Police Station, naganap umano ang insidente alas- 3:40 ng madaling araw.

Sinabi ni Jamea, kapatid ng biktima, na nag-iinuman umano sila nang dumating ang kinakasama ni Nebria at pinauwi na ito, pero nagkaroon ng pagtatalo habang naglalakad hanggang isa tulak ng biktima ang kinakasama.

Sa puntong ito,isang di nakikilalang lalaki ang lumapit kay Nebria at pinagsabihan ito na huwag saktan ang babae na ikinagalit ng kanyang kapatid at sinabihan na huwag silang pakialaman.


Sa puntong ito,sinuntok ng.lalaki ang biktima at nawalan ito ng malay at umalis naman ang suspek.

Hindi na nagising ang biktima at idineklarang dead on arrival sa pagamutan .


Ayon kay Dr. Nestor Casidre Jesson Lim ng Cebu Provincial Hospital-Danao City, ang biktima ay nasawi dahil sa hemorrhage shock, subarachnoid hemorrhage secondary to blunt trauma at secondary to mauling. (Philip Reyes)


Tags: Danao City Police Station

You May Also Like