Dinakip ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang vendor na naaktuhang nagbebenta ng mga “sex gadgets” at tabletas na ‘pampatigas’ ng ari, kamakalawa ng hapon sa may Raon Foot Bridge, Gonzalo Puyat St., corner Quezon Boulevard,Quiapo,Maynila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 969 o sale of Obscene or Immoral Products at R.O 8092 in relation to Section 123 Illegal Vending / Obstruction at iba pang paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines ang suspek na si Lendon Sanchez,33, vendor at taga Block 8, Pamasawata, C3 road, dagat-dagatan, Caloocan City.
Naganap ang pag-aresto sa suspek alas-4:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga nakumpiska sa suspek ang tatlong packs ng sex ring, mga sex enhancement, drug capsules at P1,550 cash money.
Nalaman na nagpatupad umano ng operasyon ang mga tauhan ng MPD-DSOU sa pamumuno ni PMAJ Dave Garcia laban sa mga nagkalat na nagbebenta ng sex toys at mga malalaswang larawan at iba pa sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila. (Carl Angelo)














