Latest News

VENDOR NA TUMANGGING PAGAMIT ANG GRIPO SA MAGHIHILAMOS, BINARIL, PATAY

Tatlong araw pang nakipaglaban kay kamatayan ang isang vendor matapos barilin ng hindi pa nakikilalang gunman na kanyang makasagutan dahil sa hindi niya ito payagang makapaghilamos noong Linggo ng umaga sa may Oroqueta Street, Sta.Cruz,Maynila.

Huwebes ng madaling araw nang bawian ng buhay ang biktimang nakilala lamang sa alyas na ‘Ponyong’, residente ng Maria Natividad St.Sta.Cruz, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Nabatid kay PLt.Col Ramon Solas,station commander ng Manila Police District-Police Station 3, na inilarawan ang suspek na nakasuot ng puting t-shirt at may bitbit na slingbag na Itim at ang ulo nito’y balot ng puting tuwalya.

Sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas- 6 ng umaga malapit sa bahay ng biktima.

Naglilinis umano ang biktima ng kanyang kariton nang dumating ang suspek at ibig na makigamit ng gripo dahil maghihilamos.

Nagalit umano ang suspek, nang sabihin ng biktima na magpaalam muna ito sa may-ari, hanggang sa magtalo na silang dalawa.

Sa puntong ito ay bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan ang biktima at nang bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Lope De Vega Sreett.

Nang rebisahin ang CCTV sa lugar,napag-alaman na nakunan ang ginawa nito sa biktima.

Patuloy naman ang manhunt operation laban sa suspek. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read